1,424

Feb 20, 2020 @ 11:24
By

‘Di kami nagbibiro! Magnanakaw sinisi pa ang binaril na pares vendor

“Baka akala kasi nila mga tulad namin nagbibiro kami, ‘di kami nagbibiro, ‘pag sinabi namin, gagawin namin ‘yon.”

‘Yan ang mensahe ni Alexander Ogdamina sa publiko na ibigay na lang umano ang mga gamit kaysa mauwi pa sa dahas.

Si Ogdamina ay ang magnanakaw na nakuhanan sa CCTV na binaril ang isang nagbebenta ng pares sa Port Area, Manila nitong Martes.

Saad ni Ogdamina, kanya nang nagamit ang lahat ng pera na nanakaw sa pares vendor, at inamin ding lulong sa iligal na droga.

Ayon pa sa magnanakaw, hindi umano binigay ni Samsom Bautista, ang pares vendor, ang benta nito kaya binaril niya sa leeg at ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

Posible umanong ma-paralyze si Bautista dahil tumama sa spine ang bala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?