100

Apr 22, 2019 @ 11:43
By

‘Di kami gumive-up sa tawag: Abueva binira ang mga referee sa Game 3

Hindi pinalampas ni Calvin ‘The Beast’ Abueva ang officiating sa Game 3 semis ng Phoenix Fuel Masters at defending champions San Miguel Beer nitong Linggo.

Nakatakas ang Phoenix kontra sa powerhouse team ng SMB, 92-90, iniwasan ang malubog sa 0-3 hole at mabawian ang Beermen matapos mapagalitan ng kanilang coach na si Louie Alas bago ang Holy Week break.

“Actually nung Game Two, na-rattle kami kay coach Louie dahil nagalit siya. Talagang nagwala siya. Kaya pagdating naman ng practice, bumawi kami at naging cool na siya,” ayon kay Abueva.

Bagama’t panalo, tinira ni Abueva ang officiating matapos mapituhan ng 41 foul sa kabuuan ng laro, 36 naman ang sa Beermen.

“Nagpapasalamat kami na nakuha namin itong Game Three. Di kami gumive up sa mga tawag ng mga referees,” aniya pa.

Tumapos si Abueva ng 18 points, 13 rebounds at limang assists sa pisikal na laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?