81
DOJ: Naaresto ng NBI, hindi uploader ng mga ‘Bikoy’ video
Sep 7, 2019 @ 17:30
By

‘Di kailangang magpaalam! Duterte kayang maglipat ng mga preso – DOJ

Iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mas may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipalipat sa ibang pasilidad ang 10 high profile convict.

Ito’y matapos kuwestyunin ang kanyang utos na ilipat ang 10 high-profile convict mula sa national penitentiary patungong Philippine Marines facility.

“The President, as Chief Executive, has control and supervision over all offices and agencies under the Executive department,”aniya.

Nitong Biyernes, inamin ni Digong sa kanyang talumpati na inutos niya kay Guevarra ang paglipat ng 10 convicts mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City sa isang detention facility ng Philippine Marines sa Taguig City dahil sa takot na ipapatay ang mga ito ng tauhan ni Senadora Leila De Lima.

Pito sa mga transferred convict ay tumestigo sa drug cases laban kay De Lima, kung saan iginigiit ng mga ito ang diumanoy pagkakasangkot ng senadora sa Bilibid drug trade noong ito pa ang justice chief.

Nilinaw naman ni Guevarra na hindi na kinakailangan pa ng utos mula sa korte ang paglipat ng convict mula sa New Bilibid Prison dahil ito naman ay extension facility ng Bureau of Corrections (BuCor).

“If the transfer is to a facility not controlled by the BuCor, the court that committed the PDL (persons deprived of liberty) to the original penitentiary should at least be notified or its approval secured,” aniya.

“But if the transfer is made to a BuCor extension facility, such as a military camp by agreement, no court approval is required as long as custody and control remain with the BuCor,” sabi pa nito.

Ayon kay Guevarra, mayroong memorandum of agreement ang BuCor sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Marines hinggil sa paggamit ng sa pasilidad ng huli bilang extension facility ng BuCor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?