85

Sep 29, 2020 @ 10:42
By

‘Di kailangan mag-resign! Duterte dapat maging consistent vs. korapsiyon – Lacson

Sa halip na mag-alok na bumaba sa puwesto, ang kailangan lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maging consistent sa pagpapatupad ng batas laban sa katiwalian, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Ginawa ni Lacson ang suhestiyon matapos ibunyag ni Duterte na gusto niyang magbitiw sa kanyang posisyon dahil sa walang patid na katiwalian sa gobyerno.

“Strong words and warnings may work, but only when backed by political will and followed by concrete actions. There is no better way,” pahayag ni Lacson sa isang statement.

Iginiit naman ni Senate President Vicente Sotto III, na dapat ang mga tiwali sa gobyerno ang nakaisip na magbitiw sa puwesto at hindi ang pangulo.

“Dapat yung mga corrupt sa gobyenro makaisip nion, hindi sya. He was elected by the country. He cannot turn his back on the specified task by the Filipinos. I don’t think he means it,” sabi ni Sotto.

Sa taped address noong Lunes ng gabi, inihayag ni Duterte na handa siyang humarap sa Kongreso para talakayin ang mga panukala para matapos na ang korapsyon sa pamahalaan.

“As for his offer to appear before a congressional hearing, that may not be necessary,” sabi ni Lacson.

“In fact, the Senate is already proposing in a bill to give him Bayanihan-like powers to address red tape in government,” dagdag pa nito.

Ang tintutukoy ni Lacson ay ang panukala na inihain nila nina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senate Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Layunin ng panukala na bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na suspendihin ang requirement para sa national at local permit, license at certification sa panahon ng national emergency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?