249

Jan 17, 2021 @ 12:12
By

‘Di ito nakakatakot: 23 matanda patay matapos turukan ng Pfizer bakuna

Ilang araw lang pagkatapos mabakunahan kontra COVID-19 gamit ang bakuna na gawa ng Pfizer, pumanaw ang 23 senior citizen sa Norway.

13 sa nasabing bilang ay mga pasyente na nakatira sa nursing home, pawang hindi bababa sa 80 anyos, at ang dahilan ng pagkasawi ay sinasabing kaugnay sa side effects ng bakuna.

Sabi ni Norwegian Medicines Agency chief doctor Sigurd Hortemo, sa ulat ng New York Post, posibleng nakaambag ang mga karaniwang side effect sa bakuna–gaya ng lagnat, diarrhea, at pakiramdam na nasusuka–sa pagpanaw ng ilang mahihinang pasyente.

Hindi ito nakakatakot, ayon naman kay NMA medical director Steinar Madsen sa isang panayam, dahil kaunting bilang lang ang yumao sa higit 30,000 indibidwal na tinurukan ng Pfizer o Moderna COVID-19 vaccine sa Norway noong Disyembre.

“No, this is not frightening. We expected to have some deaths in the nursing homes, and this is the only 13 cases among 30,000 patients,” sambit ni Madsen.

“It’s very, very rare, so people does (sic) not have to be afraid of the vaccination,” dagdag niya.

Samantala, ayon sa isang Pfizer rep, “aware” ang kompanya sa mga napaulat na namatay matapos mabakunahan sa Norway.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?