183

Jan 2, 2021 @ 19:55
By

‘Di habambuhay si Duterte sa Malacañang – De Lima

“May hangganan ang lahat. Hindi habambuhay si Duterte sa Malacañang.”

Ito ang reaksyon ni Senadora Leila de Lima kaugnay sa siyam na indigenous people na pinatay sa Panay Island nitong December 30.

“2021 na. Di na magtatagal, mananagot ang promotor at mga kunsintidor ng mga brutal na pagpatay at matatapos ang delubyong hatid ni Duterte sa mga Pilipino,” dagdag niya.

Kasabay noon ay nakiisa siya sa panawagan para sa masusing pagsisiyasat sa pagpatay sa siyam na Tumandok leader at pag-aresto sa 17 iba pa ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

“If the reports I received were accurate, the killings were done “tokhang” style, with State forces barging into their homes at dawn, under the pretext of serving warrants, and eventually killing them because they allegedly resisted arrest,” anang senadora.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group, ang mga napatay ay mga rebeldeng New People’s Army na nanlaban umano nang silbihan ng search warrant.

Nakita rin umano sa mga bahay ng mga ito ang ilang armas, bala at pampasabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?