143
‘Di ako santo! Kris ‘di mapapatawad si Falcis
By

‘Di ako santo! Kris ‘di mapapatawad si Falcis

Wala sa bokabularyo ni Kris Aquino ang salitang ‘pagpapatawad’ kung si Nicko Falcis ang isyu.

Sa panayam kay Kris sa kanyang inilabas na video habang ini-interview nina Ogie Diaz at Dindo Balares, sinabi nito na hindi umano gumana ang mga paninira ni Falcis sa kanya.

“I’m still here. It didn’t work,” matapang na pahayag ng showbiz personality.

Ito ay may kinalaman sa inilabas na audio recording ni Falcis kung saan maririnig ang pagbabanta ng isang babae, na inamin ni Kris na siya nga ang nagsasalita sa recording clip.

Matatandaan na sinampahan ng kaso ni Kris si Nicko kaugnay ng nagasta umanong P1.27M mula sa Kris Aquino Cojuangco Productions (KCAP) na wala raw pahintulot ng multimedia star.

Sa ngayon hindi raw handa si Kris na mapatawad si Nicko dahil sa panlolokong ginawa umano nito sa kanya.

“…there has been zero gratitude when I earned millions for him. Niloko na ‘ko. Dinaya na ‘ko. Pinapamukha pang ako ang pinakawalanghiyang tao sa mundo,” saad ni Kris.

Ayaw niya rin magmukhang tanga sa harap ng mga Pilipino at sinabing hindi siya santo para mapatawad ng basta basta si Falcis.

“I can forget. He can cease to exist in my life. But to forgive? I’m not a saint,” ayon pa sa ‘Queen of All Media’.

“I can ignore. Siguro that’s the wisest thing I can do—I can ignore the stupidity.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?