35

Oct 6, 2021 @ 14:50
By

‘Di aatras: Lacson-Sotto tuloy na sa 2022

Kasado na sila Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III para sa kanilang kandidatura sa 2022 elections matapos ang paghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC) ngayong Miyerkoles.

Sina Lacson at Sotto ang unang naganunsyo ng pagtakbo bilang pangulo at pangalawang pangulo noon pang Setyembre 8.

Ibabandera ni Lacson ang Partido Reporma habang si Sotto ay nasa ilalim pa rin ng Nationalist People’s Coalition.

Bago magtungo sa Sofitel hotel para maghain ng COC, dumalo muna ng misa ang dalawa na ginanap sa compound ng Senado.

Ito na ang ikalawang subok ni Lacson sa pagkapangulo. Una siyang kumandidato noong 2004.

Bitbit ng dalawa ang mayamang karanasan sa politika, kung saan si Lacson ay 17 taon ng senador habang si Sotto ay naging senador mula 1992-2004 at mula 2010 hanggang kasalukuyan.

Bukod sa pagiging senador ay marami pa silang hinawakang posisyon sa gobyerno. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?