3
dfa-syria

DFA: Walang Pinoy na nadamay sa Syria air strikes

Sharing is caring!

Inihayag nitong Sabado ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang naiulat na Filipino na nasaktan sa nangyayaring military strikes sa Syria, dakong alas-kuwatro ng madaling-araw (oras sa Damascus).

Ayon kay DFA communication chief Elmer Cato, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Damascus sa mga miyembro ng Filipino community para malaman ang kalagayan ng mga ito sa missile strikes.

“So far, the Embassy has not received any reports of Filipino casualties in the attacks that appear to have targeted military installations in and around Damascus,” ani Cato.

“The Embassy also has not received any request for assistance from any of the estimated 500 Filipinos in Damascus and the other 500 in other parts of Syria,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?