29

May 14, 2018 @ 17:44

DFA: Walang Pinoy na nadamay sa pananaksak sa Paris

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes na walang Filipino na nasaktan sa nangyaring knife attack noong Sabado sa Paris, France.

Ayon sa report, isa katao ang namatay habang apat ang sugatan matapos atakihin ng saksak ng isang kinilalang Khamzat Asimov ang mga namamasyal sa Rue Saint Agustin at Rue Monsigny, na sikat na tourist destination sa Paris.

Matapos ng insidente ay inako ng Islamic State terrorist group ang naturang pang-aatake sa pamamagitan ng Amaq news agency pero hindi nagbigay ng ebidensiya.

Bahagi ang France ng US-led coalition na lumalaban sa Islamic State sa Syria at Iraq at may libong sundalo sa West Africa, kung saan aktibo ang lahat ng al Qaeda-linked militants.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?