190

By

DFA: Walang ligtas sa pananakop ng Tsina sa PH

“No one is safe.”

Ito ang pahayag ni Teddy Boy Locsin, kalihim ng Department of Foreign Affairs, sa isang quote tweet ng netizen tungkol sa pagdi-displace umano ng mga Tsino sa mga prostitute sa bansa.

Binalita kahapon ng Cebu Daily News na sinagip ng NBI-Central Visayas ang 30 Chinese national mula sa isang bar sa Lapu-Lapu na umano’y isang prostitution den.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang militarisasyon at pangangamkam ng China sa West Philippine Sea (WPS), kahit na nanalo na noong 2016 ang Pilipinas sa isang internasyunal na kaso laban sa China hinggil sa WPS.

Dumarami na rin ang mga Tsino na nagtatayo ng negosyo at nag-i-invest sa mga isla ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?