29
abante-tnt-vismin-antonio-lagdameo
By

DFA tutulungan ang pamilya ng napatay na Pinoy stude sa Ireland

Sharing is caring!

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ngayon ang Philippine Embassy to London sa pamilya ng 24-anyos na estudyanteng Filipina na pinatay sa Dublin, Ireland.

Sinabi ni Philippine Ambassador to London Antonio Lagdameo inatasan na niya si Dublin Honorary Consul Mark Congdon na kausapin ang mga naulila ni Jastine Valdez para sa tulong na kanilang maibibigay.

Ayon pa kay Lagdameo agad silang nakipag ugnayan sa awtoridad sa Dublin nang maiulat sa kanila ang pagkawala ni Valdez noong Sabado nang umalis ito ng kanilang bahay sa Wicklow County.

Noong Lunes, natagpuan ang bangkay ng accountancy student sa Dublin.

Napatay naman ng mga pulis matapos manlaban ang 40-anyos na Irish na sinasabing dumukot at pumatay kay Valdez.

Nagpaabot na rin si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ng mensahe ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?