177

By

DFA Sec. Locsin: Pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta, ‘wag ikabahala

Sinagot ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr. ang post ng isang netizen sa social media tungkol sa mga Chinese flag na ibinebenta sa Rizal Park.

Sa naturang post ay makikita ang larawan ng isang vendor na may hawak na Chinese flags na iniaalok nito sa mga dumaraan.

“hindi puede ito…blurring our identity in front of the rizal monument (rizal died fighting for ours),” caption ng naturang twitter post.

Sagot naman ni Locsin sa post ng netizen na may user name na @citizennacho, hindi dapat mabahala ito dahil magbebenta rin umano ng mga US flag sa Philippine-American friendship day.

Buwelta naman ng netizen, “Selling American flags in Luneta would have made me fret as well.”

Isang netizen naman na may user name na @eto_tome ang nagsabing maaaring photoshopped umano ang larawan dahil nagpunta lang siya kamakailan sa Luneta at wala naman siyang namataan na mga vendor na nagtitinda ng bandila ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?