12

DFA sarado sa Hunyo 12, 15

Sharing is caring!

Nag-abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na ang passport at consular services nila ay suspendido sa darating na Hunyo 12 at Hunyo 15.

Ito ay dahil kapwa holiday ang nabanggit na mga petsa.

Legal holiday ang Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 habang deklarado ring holiday ang Eid’l Fitr ng mga Muslim sa Hunyo 15, na hudyat ng pagtatapos ng holy month na Ramadan.

Bunsod nito, lahat ng consular offices ng DFA sa buong bansa ay sarado sa nasabing mga petsa.

Ang mga aplikante umano na may confirmed passport appointments sa Hunyo 15 ay maaaring maiproseso mula Hunyo 18-19 sa orihinal nitong lokasyon.

Kailangan lang dalhin ng mga aplikante ang kopya ng kanilang appointments pati na requirements. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?