95
dfa
By

DFA sa mga Pinoy sa Baghdad: mag-ingat sa bomba

Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasa 400 Pinoy na naninirahan ngayon sa Baghdad.

Pinayuhan ng DFA ang mga Pilipino duon na maging maingat at iwasan ang paggala.

Ayon sa Philippine Embassy sa Baghdad, sinusubaybayan nila ang sitwasyon sa lugar matapos ang magkasunod na pambobomba sa kapitolyo ng Iraq sa nakalipas na linggo.

Una rito, 2 magkasunod na insidente ng pambobomba ang nangyari sa Baghdad, una
ang suicide bombing na ikinamatay ng 4 na katao at ang pagpapasabog malapit sa headquarters ng Communist Party ng Iraq.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?