24

Jan 22, 2020 @ 18:09
By

DFA sa mga OFW sa Moscow: Huwag magpetiks sa bomb threat

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Moscow Russian Federation ang mga Pilipino na huwag ipagsawalang-bahala ng mga babala ukol sa sunod-sunod na banta ng pambobomba.

Hinihikayat ng embahada ang mga Pinoy doon na sumunod sa mga babala at abiso ng Russian Federation kaugnay sa bomb threat sa buong Moscow kabilang ang Metro area, mga paaralan, shopping malls kabilang na ang mga korte at iba pang pampublikong lugar.

Ang mahigpit na babala ay bunsod ng kung minsan anila ay binabalitang fake news o bomb threat.

Alinsunod sa kautusan, asikasuhin ang kaligtasan ng bawat isa at iginiit ng embahada ng Pilipinas sa Moscow na dapat na sumunod sa mga babala at utos na dapat na mag-evacuate o lumikas mula sa mga apektadong lugar at huwag maliitin ang mga pagbabanta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?