25
dfa
By

DFA sa 340K Pinoy sa US: Maghanda sa ‘bomb cyclone’

Sharing is caring!

Maagap nang pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa New England at ilang bahagi ng Northeast ng Estados Unidos na mag-ingat sa inaasahang paghagupit doon sa Huwebes, araw doon, ng “bomb cyclone” o malakas na snowstorm.

Sa impormasyon ng DFA, ang bomb cyclone ay magdadala ng hangin na katulad sa bagyo at magdudulot ng anim hanggang 12 pulgada ng snow sa New England States na Maine, Massachutes, New Hampshire, Rhode Islands at Vermont.

Maari naman umanong maging tatlo hanggang anim na pulgada ang snow sa New York at New Jersey.

Sa pagtaya ng DFA, may 340,000 mga Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan sa mga nabanggit na lugar na maaapektuhan ng bomb cyclone.

Ang bomb cyclone ay meteorological phenomenon na tinaguriang “bombogenesis” o lugar na may mabilis na low pressure.

“Our kababayans residing in or visiting the Northeastern US are advised to observe the necessary precautions, avoid non-essential travel, and have emergency contact numbers in preparation for this extreme weather situation,” parating ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano.

Pinayuhan na rin ang mga Pilipino roon na laging magbantay sa mga ulat-panahon at sumunod sa payo ng mga lokal na otoridad.

Mula noong Disyembre, malaking bahagi ng America ang binabalot ng matinding lamig at pag-ulan ng yelo. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }