40
Passport appointment
By

DFA: PH passport kailangang patibayin

Sharing is caring!

Naniniwala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tiket para sa ibang bansa ang pagkakaroon ng passport kaya naman kumbinsido ang ahensya na mas pagandahin ito, palakasin at pagtibayin ang Philippine passport.

Plano kasi ng DFA na gawing polycarbonate ang bawat pahina ng pasaporte at mas matibay at segurado.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Neil Frank Ferrer, ang polycarbonate ay isang matibay na uri ng plastic na tumatagal ng higit sa 10-taon lalo na ang passport ngayon ay nasa 10-taon na rin ang validity.

Kaugnay nito, inaasahan na rin ng DFA ang pagdami ng passport applicants ngayong ber months na karaniwang tumataas ang bilang ng mga aplikante bago mag-Disyembre para samantalahin ang pagbabakasyon.

Samantala, una nang itinanggi ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano, na mayroong mga sindikato sa loob ng DFA at travel agencies na nangongolekta ng pera para sa mabilis na passport application.

Nabatid na mayroon umanong nasa likod ng ‘extortion’ operation na kung saan nangongolekta ng bayad na P5,000 mula sa mga aplikante na gustong makakuha ng maagang passport appointment.

Paliwanag ni Cayetano, tinanggal na nila ang reserved slots para sa mga travel agencies kaya maaring noong mga panahon na iyon ay posibleng ibinebenta ang mga slots dahil mayroong 1,200 slots na naka-allot sa mga travel agency.

“Hindi talaga maiiwasan ang mga fixers,” ayon kay Cayetano.

Kaugnay nito, patuloy din na nagsasagawa ng passport on wheels ang ilang local government units para sa renewal at new passports.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?