38

Sep 11, 2020 @ 15:29
By

DFA: Patay sa lumubog na barko sa Japan, Pinoy

May isa nang kumpirmadong pumanaw mula sa 39 Pinoy crew member ng isang barko na lumubog sa karagatan sa Japan noong nakaraang linggo.

Nilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kumpirmasyon matapos maberipika ng mga lokal na awtoridad na ang crew member na natagpuang walang malay ng mga rescuer noong Setyembre 4, at kalauna’y dineklarang patay, ay isang Filipino.

“The family of the deceased has cooperated in identifying the remains,” saad pa ng DFA.

Setyembre 3 nang maiulat na nawawala at lumubog ang Gulf Livestock 1 habang patungo sa China mula sa New Zealand dahil sa bagyong Maysak.

May sakay itong 43 crew member — 39 mula sa Pilipinas, dalawa mula sa New Zealand at dalawa mula sa Australia.

Bukod sa yumao, dalawa pang Pilipino ang na-rescue ng mga awtoridad sa Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?