119

Dec 16, 2017 @ 18:16
By

DFA, panatag sa ginagawang konstruksiyon ng China sa WPS

Para kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, nakakapanatag na rin ng loob na walang bagong inokupahan ang China sa West Philippine Sea.

Ito ang pahiwatig ni Cayetano nang hingian ng reaksyon ukol sa mga ulat na nagpapatuloy ang pagpapatayo ng China ng iba’t ibang pasilidad sa mga pinag-aagawang bahagi ng nabanggit na karagatan.

Kasabay nito, sinabi din ni Cayetano na hindi mawawala ang posibilidad na kapag napag-usapan na ang itinutulak na Code of Conduct ay magtatayo na rin ng kanya-kanyang pasilidad ang ibang bansa na sangkot sa agawan ng teritoryo.

Una nang kinumpirma ng Center for Strategic and International Studies at Asia Maritime Transparency Iniative na sa kasalukuyan ay tinatapos na ng China ang high-frequency radar station at iba pang pasilidad sa rehiyon.

Tiniyak naman ni Cayetano na walang isusukong teritoryo ng Pilipinas ang administrasyong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?