68

Aug 20, 2018 @ 13:22
By

DFA, OWWA pinatutulong sa stranded OFWs dahil sa Xiamen plane incident

Kinalampag ni Senador Chiz Escudero ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para agad na tulungan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na apektado ng kanselasyon ng international flights bunsod ng pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines.

Ang dalawang ahensya umano ang dapat na tumulong para maka-rebook o makabawi ng bayad sa eroplano ang mga OFW.

Ang DFA at OWWA na rin aniya ang kailangang makipag ugnayan sa employers ng mga OFW para maipaliwanag na naipit sila sa sitwayson kaya hindi pa makasipot o makabalik sa trabaho.

Dahil 36 na oras na nabahura ang sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines, naparalisa ang mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport.

Nakansela ang daan-daang domestic at international flights habangnakbahura ang eroplano hanggang ngayong araw na ito ng Lunes.

Ilang ofw ang iniulat na na-stranded na sa mga paliparan at nag-aalala na wala nang balikang trabaho dahil atrasado ang pagsipot sa kanilang employer.

Sa isang panayam, nangako na si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na nakikiapg-ugnayan sa airline companies para bigyang prayoridad ang OFWs na mapapaso na ang visa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?