745

Dec 23, 2017 @ 18:55
By

DFA nangangamba para sa OFWs sa Saudi missile attacks

Labis na nangangamba ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kaligtasan ng libo-libong OFWs sa serye ng missile attacks sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, lubhang delikado ang kalagayan ng ating mga kababayan sa naturang bansa, partikular na ang mga nasa Riyadh.

Base sa ulat ni Ambassador to Riyadh Adnan Alonto, sinabi nito na hindi naman nagtagumpay noong nakaraang Martes ang dalawang missile attacks sa Riyadh.

Noong nakaraang buwan tinangka ring pasabugin ang Saudi international airport ngunit binigo rin ito ng mga awtoridad.

Ang mga missiles ay sinasabing nagmula sa Yemen.

Ayon pa rin kay Alonton, sa kabila nang mga pagtatangka ay nananatiling normal ang pamumuhay sa Riyadh.

Umaasa naman si Cayetano na mareresolba sa pinakamadaling panahon ang sigalot sa Yemen.

Kasabay nito, pinasalamatan ng kalihim ang gobyerno ng Saudi sa pagbibigay ng ibayong proteksyon sa mga OFW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?