25

Apr 2, 2020 @ 12:08
By

DFA nakiramay sa pagpanaw ni Catalla

Kinumpirma ng DFA ang pagpanaw ngayong araw ni Philippine Ambassador to Lebanon Bernardita Catalla dahil sa mga kumplikasyon na dulot ng Covid 19.

“With deep sadness, the Department of Foreign Affairs announces the untimely demise on 2 April 2020, of Ambassador Bernardita Catalla, Philippine Ambassador to Lebanon, from complications arising from Covid 19,” ayon sa report ng DFA.

Si Ambassador Catalla ay 27 taon nang career diplomat.

Siya ay nagsilbi rin bilang Philippine diplomat sa Kuala Lumpur, Jakarta at naging Passport Director ng DFA.

Bago naging Ambassador sa Lebanon, naging Consul General sa Hong Kong si Ambassador Catalla.

Siya rin ang nanguna sa mass repatriation program ng Philippibe Embassy sa Beirut mula December 2019

Si Ambassador Catalla ay kilalang matulungin sa kanyang panilya, kaibigan at kasamahan sa trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?