drinking-poison
By

DFA nakatutok sa Saudi OFW na pinatagay ng asido

Sharing is caring!

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Foreign Affairs sa awtoridad sa Saudi Arabia kaugnay sa isang overseas Filipina worker na pina-inom ng chlorox ng kanyang amo sa Saudi Arabia.

Sa pahayag ng kagawaran, tinututukan na ng Philippine Consulate General sa Jeddah ang kaso ni Agnes Mancilla, na sa ngayon ay nasa serious condition sa King Fahad Central Hospital dahil sa insidente.

Isinugod sa ospital si Mancilla ng mga Filipino sa Jizan noong Abril 2 matapos itong puwersahang pina inom ng kanyang babaeng amo ng bleaching agent o pampaputi ng damit.

Nadiskubre din sa ospital ang mga paso sa kanyang likuran.

Nabatid na 2016 pa nang simulant ang pang-aabuso kay Mancilla ng kanyang amo, na agad din inaresto ng mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?