By

DFA nakatutok sa Middle East crisis, 2M OFWs

Sharing is caring!

Ginarantiya ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may nakahandang contigency plan para sa dalawang milyong Filipino sa Middle East sakaling lumala ang sitwasyon sa rehiyon.

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na nakatutok sila sa sitwasyon sa Saudi Arabia, Lebanon, and Iraq.

“We are very much concerned with what is happening in the Middle East because whether we like it or not we would be affected by the outcome of developments taking place there,” ani Cayetano.

Sinabi nito na wala pang dapat ikaalarma sa ngayon ngunit pagtitiyak nito agad silang kikilos kapag kakailanganin.

Kamakailan, tinarget ng missile attack ang Riyadh sa Saudi Arabia at nanatili ang tensyon sa Kurdistan, Iraq.

Binanggit nito na may tensyon na rin sa Lebanon at pinaalis na ng mga gobyerno ng Saudi Arabia, Bahrain, Kuwait at United Arab Emirates ang kanilang mga mamamayan doon.

Sinabi rin ni si Usec dor Migrant Workers Sarah Lou Arriola ang nakikipag ugnayan sa mga embahada ng bansa sa Riyadh, Beirut at Baghdad.

Sinabi naman ni Arriola na naka stand by alert na ang kanilang rapid deployment teams para ilikas ang ating mga kababayan. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?