46
dfa1
By

DFA, nakatutok na sa kondisyon ng OFWs sa Syria

Sharing is caring!

Matapos paulanan ng mga bomba ang Syria ng US, inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatutok sila sa mga kaganapan dito.

Inihayag ng DFA na ang embahada ay noon pang nakaraang linggo nagpalabas ng mga abiso sa mga Filipino ukol sa inaasahan na hakbang ng ilang bansa sa Syria dahil sa paggamit ng chemical weapons.

“We are in touch with the Philippine Embassy which is now checking on the condition of more than 1,000 of our kababayans in Damascus,” ayon sa pahayag ng DFA.

Kanina ay inanunsiyo ni US President Donald Trump na naglunsad na sila ng air strike sa Syria katulong ang France at Great Britain para hindi na ulitin ni Syrian President Bashar al-Assad ang sinasabing paggamit ng chemical weapons laban sa mga sibilyan.

Magugunita na noong Abril 2017 ipinag-utos din ni Trump ang pambobomba sa isang airfield sa Syria dahil na rin sa paggamit ni al-Assad ng sarin gas sa mga mamamayan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?