ABANTE alan peter cayetano passport dfa
By

DFA naglatag ng kondisyon sa pagbawi sa OFWs ban sa Kuwait

Sharing is caring!

Ibinahagi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nagbigay na sila ng kondisyon sa Kuwaiti government para bawiin ang OFW deployment ban at matuloy ang pirmahan ng memorandum of understanding (MOU).

Una, ayon kay Cayetano, ay tulungan ang 120 OFWs na nagpapasaklolo na sa Embahada ng Pilipinas at ang mga ito aniya ay nagpapatulong para mabigyan ng tamang pagkain at pahinga, samantalang may ilan na inaabuso din ng kanilang mga amo.

Bukod pa rito, dapat din aniya na payagan nang makauwi ang may 600 hanggang 800 OFWs na kinukupkop ng embahada at hiniling din na hindi magkaroon ng ‘crackdown’ laban sa mga Filipino kapag nagtapos na ang amnesty program ng Kuwait.

Banggit pa ni Cayetano, hiniling din nila sa kanilang mga kausap sa Kuwait na sampahan ng mga kaso ang mga abusadong amo ng OFWs.

Naniniwala ang kalihim na maaaring matigil lang ang pang-aabuso sa mga Filipino kapag may nasampolan na kakasuhan at mapaparusahan dahil sa mali nilang pagtrato sa OFWs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?