210
DFA: Mga Pinoy sa Papua New Guinea, ligtas matapos ang 7.2 na lindol
May 8, 2019 @ 18:41
By

DFA: Mga Pinoy sa Papua New Guinea, ligtas matapos ang 7.2 na lindol

Wala umanong nasaktan sa may 36,000 Filipinos na nasa Papua New Guinea matapos ang magnitude 7.2 na lindol na tumama sa silangang bahagi ng naturang bansa, Martes ng umaga.

Ayon kay Chargé d’Affaires Mary Grace Villamayor, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Port Moresby sa Filipino community na nasa apektadong Lae at Kokopo.

Hindi naglabas ng tsunami warning ang United States Geological Survey-linked Pacific Tsunami Warning Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?