15
dfa1
By

DFA magbubukas na ng passport slots

Sharing is caring!

Simula bukas, Mayo 2, bubuksan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang online passport appointment slots para sa darating na Hulyo hanggang Setyembre.

Sa inilabas na pahayag ng DFA, ang mga appointment slot ay para sa lahat ng kanilang consular offices sa bansa maliban sa DFA Aseana sa Parañaque City.

Katuwiran ng kagawaran, nasa ‘final stages’ na ang isinasagawa nilang pilot testing ng kanilang ePayment sa DFA Aseana at kapag natapos na ay ipapatupad na rin ito sa lahat ng kanilang consular offices.

Nabatid na sa pilot testing, ang show up rates ay 95 porsiyento kaya’t nabawasan nang husto ang pagkasayang ng appointment slots dahil sa hindi pagsulpot ng mga aplikante ng pasaporte.

Maiiwasan na rin ang bogus appointments dahil kinakailangan nang magbayad muna ng aplikante bago makumpirma ang kanyang appointment.

Kasabay nito, hindi na rin masasayang ang oras sa paghihintay ng mga aplikante at sa pamamagitan ng ePayment ay bibilis na rin ang pagpoproseso sa mga aplikasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?