74

Oct 26, 2017 @ 16:43

DFA mag-iisyu na ng pasaporte na pang-10 taon

Mag-iisyu na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pasaporte na sampung taong magagamit.

Batay sa ipinalabas ng DFA na implementing rules and regulations (IRR), umpisa sa Enero 1, 2018 tatanggap na ito ng aplikasyon para sa pang-10 taon na pasaporte.

Maaaring kumuha nito ang mga Pilipino na 18-anyos pataas.

Mananatili namang limang taon ang bisa ng pasaporte para sa mga 17-anyos pababa dahil magbabago pa ang kanilang hitsura kapag kinunan ng litrato.

Ang hakbang ng DFA ay alinsunod sa Republic Act 10928 o An Act Extending the Validity of Philippine Passports na naging batas nu’ng nakaraang Agosto 2.

Ayon sa ahensya, P950 pa rin ang magiging presyo ng pang-10 taong pasaporte, katulad ng presyo ng pasaporte ngayon na panglimang taon.

Pero maaari umanong tumaas kapag kailangan para matiyak na ang produksyon at seguridad ng pasaporte ay makasasabay sa pag-usad ng teknolohiya at sa world standards. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?