wps5
By

DFA gagawa ng diplomatic actions vs China

Sharing is caring!

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na gagawa sila ng nararapat na diplomatic actions kaugnay sa ginagawang militarisasyon ng China sa pinag aagawang bahagi ng South China Sea.

Sa inilabas na pahayag ng DFA, naninindigan ang gobyerno na pinoprotektahan nila ang integridad at teritoryo ng Pilipinas.

“We are taking the appropriate diplomatic action necessary to protect our claims and will continue to do so in the future,” ayon sa pahayag.

Inuulan ng batikos ang gobyerno dahil sa malamyang pagtugon sa ginagawang militarisasyon ng China hindi lang sa rehiyon kundi maging sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Pinakahuli na dito ang paglapag ng mga bomber planes sa isang isla sa rehiyon.

Bago pa ito, ang paglalagay nila ng missile facilities sa ilang isla sa Spratlys.

Iginiit ng DFA, na poprotektahan ng gobyerno ang bawat pulgada ng teritoryo ng Pilipinas at igigiit ang ating karapatan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?