3

Aug 8, 2020 @ 12:35

DFA gagastos ng P15M para iuwi mga OFW sa Lebanon

Inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na huhugot sila ng P15 milyong halaga mula sa kanilang pondo para iuwi ang mga overseas Filipino worker na apektado ng malakas na pagsabog sa Beirut port sa Lebanon.

“DFA is paying P15,000,000 from its funds for a chartered Qatar Air flight to repatriate from Beirut. PE [Philippine Embassy] in Beirut is negotiating it and disbursing the amount,” sabi ni Locsin sa kanyang Twitter account nitong Sabado ng umaga.

Inaasahan aniyang darating ang chartered flight ng Qatar Air sa August 16.

Ayon kay Locsin, mas gusto sana niya na Philippine Airlines (PAL) ang sumundo sa mga OFW subalit sinabihan umano siyang “unavailable” ang flight nito habang ang iba ay naka-schedule na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?