95

Feb 6, 2020 @ 13:53
By

DFA binabantayan ang Pinoy nCoV carrier sa Tokyo cruise ship

Patuloy na tinututukan ng Philippine Embassy sa Tokyo ang kapakanan ng mga Pinoy na nakasakay sa Diamond Princess Cruise ship na kasalukuyang nakadaong sa Yokohama, Japan.

Tiniyak ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) habang mananatiling naka-quarantine ang mga ito na isinagawa ng Japanese government kasama na ang libo-libo pang mga pasahero.

Ang pahayag ng DFA ay kasunod na rin sa naiulat na kabilang ang isang Pinoy seafarers na kasama sa 10 katao na nagpositibo sa novel coronavirus sa naturang barko.

Ayon sa DFA nasa 538 ang bilang na mga Pinoy ang nakasakay sa cruise ship.

Sinabi ng DFA na ang naturang barko ay isinailalim sa quarantine matapos matuklasan na isang pasahero ang nagpositibo sa 2019 nCov galing Hong Kong.

Nakikipag-ugnayan narin ang Philippine Embassy sa natitirang Filipino sa cruise ship at pakikipag-ugnayan sa Japan authorities para sa assistance na ibibigay sa mga Pinoy seafarers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?