63

Jun 23, 2022 @ 11:56
By

Devin Booker, Kendall Jenner hiwalay na

Tapos na umano ang relasyon nina Devin Booker at Kendall Jenner matapos ang dalawang taon, ayon sa ilang ulat.

Batay sa ulat ng E! News, dumaan sa isang ‘rough patch’ ang relasyon nina Booker at Jenner at halos dalawang linggo na silang hiwalay.

Gayunman, hindi pa umano putol ang komunikasyon sa pagitan ng dalawa. Kaya ayon sa mga Marites sa US, posible pa silang magkabalikan. Isa rin umano sa dahilan ng hiwalayan ang paghirit ni Jenner ng ‘space.’

Si Booker lamang ang tumagal sa mga NBA player na na-link kay Jenner. Ang iba pang manlalaro na napalapit sa kanya ay sina Jordan Clarkson, Ben Simmons, D’Angelo Russell, Kyle Kuzma at Blake Griffin.

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?