24

Apr 12, 2020 @ 12:33
By

Devin Booker kampeon sa NBA 2K!

Pahinga man ang NBA ngayon, nakahanap pa rin ang mga manlalaro ng paraan para makipag-basketball sa isa’t isa.

Sa week-long tournament na sinalihan ng mga NBA player, nagwagi si Devin Booker ng Phoenix Suns sa NBA 2K video game.

Sa Finals ng torneo ay pinadapa ni Booker ang kakampi nito sa Phoenix Suns na si Deadre Ayton para makuha ang tropeo.

Gamit ni Booker sa Finals ay ang Denver Nuggets at Houston Rockets, habang hindi naman umubra ang kapwa powerhouse team na Los Angeles Lakers at Milwaukee Bucks ni Ayton.

Sa isang yugto pa ng laro ay muntik mag-quit sa laro si Ayton dahil sa dominanteng performance ni Booker.


Dahil dito’y wagi ng $100,000 si Booker, na kanyang ido-donate para sa COVID-19 relief efforts ng Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?