33

Apr 6, 2020 @ 10:21
By

Devin Booker ayaw sa kanyang NBA team

May ibig sabihin kaya ang pagtanggi ni Devin Booker sa Phoenix Suns?

Sa ikalawang araw ng NBA 2K Players Only Tournament, game na sumalang si Booker kontra kay Michael Porter Jr.

Mungkahi ni Porter Jr, gagamitin niya ang team niyang Denver Nuggets kung papayag si Booker na Phoenix Suns ang kanya namang kontrolin.

Nag-isip pa muna si Booker bago tanggihan ang hamon ni Porter Jr.

Nagpaliwanag naman si Booker sa Twitter, sinabi na sinira kasi umano ng NBA 2K ang kanyang version sa laro kaya ayaw niya itong gamitin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?