11

Oct 16, 2020 @ 15:20
By

Devance nilantad sikreto ni Caperal

Sa pagkawala ni Greg Slaughter, si Prince Caperal ang nagsilbing starting center ng Ginebra sa PBA bubble.

At ngayon ay pakitang gilas ang Arellano product na nagbuslo ng limang tres kontra Blackwater Bossing sa kabuuang 24 points.

Sa Instagram post ni Devance, binahagi nito kung anong sikreto sa magandang sipat ni Caperal sa court.

Sey ng Ginebra veteran, ang lutong Gumbo ng kanyang misis na si Monica ang madalas lantakan ni Caperal, na aniya’y dahilan ng magandang laro nito.

Mukhang effective naman ang luto ng misis ng multi-titled forward dahil nag-average ngayon si Caperal ng 17.5 points at 4.5 rebounds sa 2020 PBA Philippine Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?