18

Sep 14, 2020 @ 21:56
By

Devance kumasa sa hamon ni Solenn

Si Joe Devance na marahil ang pinakamatinik na PBA player pagdating sa sayawan.

Sa Instagram video ng Ginebra forward, game na kumasa ito sa dance challenge ni Solenn Heusaff, na pinauso ng social media influencer na si Mufasa.

Game na umindak si Devance, at tumambling pa para mahigitan ang pagsayaw ni Solenn.

Si Devance ay madalas na bida sa mga PBA All-Star Game, kung saan isa siya sa mga nagsisilbing choreographer para sa taunang dance showdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?