44

Jan 9, 2021 @ 20:13
By

Devance gusto mabago PBA draft rule sa mga Fil-foreigner

Nais ni Ginebra veteran forward Joe Devance na magkaroon ng pagbabago sa rule ng PBA pagdating sa mga papasok na Fil-foreigner sa liga.

Ito’y matapos na ilantad ni sports agent Charlie Dy na tatlo sa kanyang alaga ang malabong makasali sa 2021 PBA Rookie Draft.

Kailangan pang kumuha ng certification at affirmation mula sa Department of Justice at Bureau of Immigration para mapatunayang Filipino citizen nina Jason Brickman, Brandon Ganuelas Rosser at Jeremiah Gray para makapasok sa draft proceeding.

“I hope there will be revisions in the rule as well,” lahad ni Devance sa siang tweet.


Sa January 27 na ang palugit para sa mga requirement, at tingin ni Dy ay malabo na itong maihabol pa ng tatlong Fil-foreign player.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?