14
ABANTE devanadera erc comissioners suspend
By

Devanadera, delikado sa pagbalewala sa suspensiyon ng ERC commissioners

Sharing is caring!

Binalaan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate si Energy Regulatory Commission (ERC) chair Agnes Devanadera na maaaring maharap ulit sa kasong graft and corruption.

Ito’y dahil sa pagbalewala sa utos ng Office of the Ombudsman na nagsususpinde sa apat na ERC commissioners.

Ayon kay Zarate, napag-alaman nila na patuloy na nagdaraos ng hearings ang ERC sa pangunguna ni Devanadera kasama sina Gloria Victoria Yap-Taruc, Alfredo Non, Josefina Patricia Magpala-Asirit at Geronimo Sta. Ana.

“This clearly defiant act can place these commissioners, including Chair Devanadera, for another graft and corruption charges,” sabi ni Zarate.

Sinuspinde ng Ombudsman ang apat na opisyal noong Disyembre kaugnay ng umano’y maanomalyang kasunduan sa supply ng kuryente.

Nanawagan ang kongresista sa anti-graft body na mahigpit na ipatupad ang suspension order.

“We call on the Office of the Ombudsman to strictly enforce its suspension order and not allow this blatant disregard of its authority by these ERC officials,” giit ni Zarate. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?