35

Jan 6, 2020 @ 18:01
By

Detroit naligo sa butata ng Lakers

Bawat bola na binitawan sa kanyang harapan, hinahabol ni Anthony Davis para ibalik sa pinanggalingan.

Nahawa pati mga kakampi niya sa Lakers, 20 sa mga tira ng Detroit ang tagumpay na binutata at tinalo ng Los Angeles ang Pistons 106-99 Linggo ng gabi.

Maangas na 21 points, 14 rebounds at 11 assists ang iginuhit ni LeBron James para kumpletuhin ang kanyang 90th career triple-double, pangsiyam sa season at pangalawa sa loob ng limang araw para sa LA.

Nilista ni Davis ang 11 sa kanyagn 24 points sa final 3:40, nagbaba ng 11 rebounds at nasa pangalan ang walong blocks ng Lakers.

Napakawalan pa ng Los Angeles ang 11-point lead sa fourth at muntik matalo sa team na diyeta sa panalo.

Kinulang ng isang blok ang Lakers para pantayan ang franchise record na 21 na nilista noong April 1982 laban sa Denver. Umiskor pa si Alex Caruso ng 13 para sa Lakers na hindi pa natatalo sapul noong Dec. 25.

Binanderahan ng 28 points ni Derrick Rose ang Pistons, nagdagdag ng 14 si dating Lakers guard Svi Mykhailluk. Mula sa field ay 2 of 13 lang si Andre Drummond pero tumapos ng 12 at may 18 rebounds bago na-fouled out sa dulo.

May walong blocks na ang Lakers sa first quarter, apat kay Davis at tatlo kay JaVale McGee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?