27

By

Detroit babalikatin nina Griffin, Drummond

Mataas ang inaasahan ni Detroit Pistons owner Tom Gores sa mararating ng kanyang team sa susunod na season.

Sa unang taon ni coach Dwayne Casey, even 41-41 ang Pistons nitong nakaraan, No. 8 sa Eastern Conference.

Pero sandali lang sila sa playoffs, nawalis agad ng No. 1 Milwaukee Bucks.

Malamang na nag-iba ang ihip ng hangin kung ‘di binabagabag ng injury noon si Blake Griffin.

“We have to do more,” ani Gores sa opening ng bagong training facility ng Pistons. “(Casey) thinks we’re in great shape, a lot better than we were last year, when we made the playoffs. We need to get through the playoffs. We’ve got to win in the playoffs.”

Sina Griffin, 6-foot-11 center Andre Drummond at point guard Reggie Jackson ang heart and soul ng team, silang tatlo pa rin ang inaasahang magdadala sa papasok na season.

Nakarating hanggang playoffs nang dalawang beses sa nakalipas na apat na taon ang Detroit, pero parehong nawalis sa first round.

Kailangan healthy si Griffin hanggang postseason.

Lumalim din ang Pistons sa pagdating ni Derrick Rose.

Kailangan ding mag-deliver ang mga role players tulad nina Thon Maker, Tony Snell, Dona Hall, Joe Johnson at Markieff Morris.

“I think right now we feel really good about where we’re at,” dagdag ni Gores.

Positive lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?