By

Detention, deportation ni Filibeck, overkill – Kiko

Sharing is caring!

Kinondena ng Liberal Party ang pagdetine at agad na pag-deport ng Bureau of Immigration sa Italyanong si Giacomo Filibeck na human rights activist at opisyal ng isang political party sa European Union.

Sinabi ni Senator at LP President Francis “Kiko” Pangilinan na bureaucratic overkill ang ginawa kay Filibeck na itinaboy dahil bumatikos sa extrajudicial killings sa gitna ng drug war ng Duterte administration.

Minumulto na umano ang Duterte administration ng mga biktima ng war on drugs kaya napa-praning at inaakalang mapanganib ang mga kritiko kahit may maganda naman umanong layunin at walang balak manggulo.

“The Duterte administration should be able to make a distinction between expressing criticisms and fomenting unrest. The presence of the foreign guests definitely is not aimed at the latter,” ani Pangilinan.

Nitong Linggo, dumating si Filibeck para dumalo sa pagtitipon sa Cebu ng opposition party na Akbayan, na kaalyado ng LP, pero hindi nakalabas ng paliparan dahil agad nang na-deport dahil blacklisted ito ng Bureau of Immigration.

Minarkahan na si Filibeck dahil isa ito sa mga European activists na nag-imbestiga at bumatikos sa patayan sa drug war noong tumungo sila rito sa bansa noong Oktubre 2017.

Ayon kay Pangilinan, masama ito para sa imahe ng Pilipinas sa harap ng international community dahil nabandera na walang karapatan sa free expression ang mga turista rito sa bansa.

Labag umano ito sa diwa ng demokrasya.

“We cannot forever conceal what is really happening in the country. If this administration has nothing to hide, what is it afraid of? “ dagdag ni Pangilinan,

Una namang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may poder ang gobyerno na tumangging papasukin ang mga dayuhan na may ginawa nang ilegal dito sa bansa gaya ng pagsali sa partisan political activities na siya umanong ginawa ni Filibeck.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?