33

Jun 19, 2020 @ 18:29
By

Detainee patay, 6 pa positibo ng COVID-19 sa NBI headquarters

Inilagay sa partial lockdown nitong Biyernes ang NBI headquarters sa Maynila matapos isang detainee nito ang nasawi sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, limang NBI detainees at isang personnel pa ang na-diagnose na COVID-19 infected matapos ang rapid antibody test na isinagawa ng Manila Health Office simula June 18.

“Nung Sunday may sinugod sa hospital na isang detainee at nag-expire ito Tuesday,” wika ni Lavin.

Dagdag ni Lavin, isa nang senior citizen ang namatay na detainee at nakumpirmang may COVID-19 matapos isailalim sa swab at confirmatory polymerase chain reaction test.

Siniguro naman ng NBI na mayroon silang mga isolation room para sa mga detainee na nagpositibo sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?