291
fall
By

Desperadong pasyente, tumalon sa 8th floor ng ospital

Sharing is caring!

Patay ang isang pasyente matapos tumalon mula sa 8th palapag ng gusali ng Victor R. Potenciano (VRP) Medical Center sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

Batay sa nakalap na report mula sa Eastern Police District (EPD) office, nakarinig ng malakas na kalabog ang mga security guards mula sa canopy ng nasabing hospital sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City bandang 5:05 ng madaling araw at tumambad sa kanila ang patay na katawan ng isa nilang pasyente na tumalon mula sa isang sild sa ikawalong palapag ng gusali.

Hinala ng mga security guard na posibleng nagpatiwakal ang biktima na itinatago muna ang pagkakakilanlan upang maunang malaman ng kanyang mga kaanak, nasa 45-anyos, residente ng Makati City at tubong Tarlac-Leyte at biopsy patient.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pagpapatiwakal ng biktima na marahil ay hindi na kaya ng isang pasyente ang kanyang dinaramdam na sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?