126
junjun-binay

Desperado na – Junjun Binay sa pahayag ni Abby na bawal siyang tumakbo

Sharing is caring!

Mas tumitindi ang iringan ng magkapatid na si dating Makati mayor Junjun Binay at ngayong mayor na si Abby Binay para sa 2019 elections.

Saad ni Abby, disqualified umano ang kanyang kapatid dahil sa ruling nito sa Ombudsman kaugnay ng overpriced na pondo para sa Makati City Hall Building II, na binaligtad naman ng Court of Appeals.\

Ang naturang pahayag ay kinontra ni Junjun.

“For me, that is a sign of desperation. Wala namang dahilan para ‘di ako tumakbo,” saad ni Junjun Binay. “There is no legal impediment in my bid to seek public office because the ruling is not yet final and executory.”

“Hindi pa kami umaabot sa Supreme Court. Why would she say that? Ito na lang ba ang paraan para manalo ang kapatid ko? ‘Yung di ako tumakbo? That will not hold water,” dagdag pa ng dating Makati mayor.

Una nang inanunsiyo na 13 konsehal ang suportado si Junjun sa pagiging mayor, na malaki ang paniniwala na kapareho ng kanyang tatay na si dating Vice President Jejomar Binay sa paraan ng panunungkulan.

“She has said many times na ibang Binay siya, na ‘di niya gagawin ‘yung ginawa ng tatay ko, na hindi siya ‘yung bababa para lumapit sa mga tao, and we have seen that already,” pakli niya.

Pag-uusapan pa umano ng kanilang pamilya kung ano ang magiging hakbang para malaman kung sino sa kanilang dalawa ang tatakbo sa pagka-alkalde ng nasabing lungsod. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?