179

Dec 14, 2017 @ 19:26

‘Despacito’, Google Philippines’ top trending search ng 2017

Sa kabuuan ng taunang ‘Year in Search’ ng Google Philippines para sa trending searches sa taong ito, ang ‘Despacito’ lyrics ang nagwagi bilang overall top trending searches ngayong 2017.

Nakuha nito ang pinakamataas na bilang ng pinaka-hinanap sa Google PH noong Hulyo at pinaka-popular ito sa Cagayan Valley region.

Kinanta ni Luis Fonsi kasama si Daddy Yankee ang ‘Despacito’ na isang Spanish song na may kahulugan umano sa English na ‘slowly’.

May English version ang ‘Despacito’ ni Justin Bieber.

Pumangalawa ang kantang ‘Versace on the Floor’ ni Bruno Mars na pinakasikat naman sa Ilocos Region.

Ikatlo ang Miss Universe 2017 na sinabakan ni Rachel Peters na pambato ng Pinas ngunit hindi pinalad na manalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?