23

By

Desisyon sa martial law extension, nakabase sa AFP – Roque

Sharing is caring!

Wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung hihilingin sa Kongreso na ma-extend ang martial law sa Mindanao kaugnay sa nakatakdang pagtatapos nito sa huling araw ng Disyembre.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, hinihintay pa nila ang magiging rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa sandaling matanggap ito ng Pangulo ay saka nito pagpapasyahan kung palalawigin o hindi na ang martial law.

Nakausap na aniya nito ang Hukbong Sandatahan at nakatakdang isumite ang kanilang rekomendasyon sa commander-in-chief sa susunod na linggo.

Batid aniya ng Palasyo na limitado na ang panahon dahil malapit nang mag-recess ang Kongreso kaya’t asahang magpapasya ang Pangulo sa susunod sa loob ng dalawang linggo.

“Inaantay pa rin po natin ang rekomendasyon ng Hukbong Sandatahan. I have had prior consultations with the Armed Forces, the recommendation will be submitted by next week. So the President will make a decision if not next week then the week after because Congress will go on recess on the 15th and as you know we cannot have extension of martial law without consent of Congress,” ang pahayag ni Roque.

Sinabi pa ng kalihim na bagama’t napalaya na ang Marawi City mula sa mga napatay na terorista, nananatili aniya ang banta ng terorismo at violent extremism kaya’t ang AFP ang higit na nakakaalam kung may pangangailangan bang palawigin pa ang martial law o tapusin na ito.

Para sa mga opisyal ng Task Force Vangon Marawi, pabor sila sa extension ng martial law sa Mindanao para maayos na maisulong ang pagbangon ng Marawi City at mahadlangan ang ibang grupo na nagtatangkang muling bumuo ng kahalintulad na grupo ng na-neutralized na Maute terror group.

Batay sa intelligence report, mayroon umanong nagaganap na recruitment ang ISIS sa ilang bayan sa Mindanao at inaalok ng P100,000 ang bawat ma-recuit na sumapi sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?