68

By

Desisyon ni EJ, aprub kay Eya

Pagkatapos ianunsyo na hindi muling mapapabilang si EJ Laure sa roster ng University of Sto. Tomas Golden Tigresses, hindi naman nababahala ang nakababatang kapatid nito na si Eya Laure.

Todo-suporta pa rin ang opposite hitter na si Eya sa desisyon ng kanyang ate.

Sa isang pahayag ng incoming rookie sa Fox Sports Philippines, sinabi nitong “okay lang sa akin, kasi sabi niya nga na puno na din ‘yung line up lalo na sa pwesto niya. Hindi ko naman siya minamadali kasi mas maganda na magamit niya playing years niya sa panahong ready siya.”

“Wala pa pong final line up kasi under deliberation kaming lahat kasi nasa training camp pa po kami”, kwento pa ni Eya.

Inumpisahan na rin ng UST women’s volleyball team ang kanilang training sa Thailand para sa paghahanda sa bakbakan ngayong darating na Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?