63

By

Desisyon ni Duterte sa sibakan sa BOC, kinatigan ni SGMA

Suportado ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin si Isidro Lapeña sa Bureau of Customs (BOC) at ilipat ito sa TESDA.

Sabi ni GMA, bilang dati ring pangulo ay alam niyang maraming mga bagay na ikinonsidera si Pangulong Duterte bago isapinal ang naturang pasya.

Hindi anya siya sasama sa hanay ng peanut gallery na walang ginawa kundi ang punahin ang bawat aksyon ng punong ehekutibo.

“Let me just say that I’ve been president and I know more or less that the President has to consider so many things when he makes his decision so I’m not going to be a part of the peanut gallery making comments on his actions,” ayon kay Arroyo.

Kumpiyansa ang Speaker na alam at sigurado ang Pangulo sa mga naging desisyon nito.

Sang-ayon din si Arroyo sa pagtatalaga ng Presidente sa mga dating opisyal ng militar sa mga kritikal na sibilyang posisyon sa gobyerno.

Katuwiran nito, ang mga napili naman anya ni Duterte ay magagaling na sundalo kaya may advantage ang paglagay sa kanila sa mga civilian position.

“They are literally good soldiers that’s why,” ani GMA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?